​ሕግንና ደንብን በተመለከተ እርዳታ ማግኘት ይፈልጋሉን? - Amharic | هل تحتاج لمساعدة قانونية؟ - Arabic | ܤܢܝܼܩܵܐ ܝ݇ܘ̤ܬ ܠܗܲܝܵܪܬܵܐ ܩܵܢܘܿܢܵܝܬܵܐ؟ - Assyrian | Need Legal Help? - Auslan | Treba li vam pravna pomoc? - Bosnian | Burmese â Need Legal Help? | 需要法律帮助吗? - Chinese Simplified | 需要法律幫助嗎? - Chinese Traditional | Trebate li pravnu pomoć? - Croatian | ضرورت به کمک قانونی دارید؟ - Dari | Wïc Kuɔɔny në Wɛ̈t Löŋ? - Dinka | آیا به کمک حقوقی نیاز دارید؟ - Farsi | Gadreva na Veivuke Vakalawa? - Fijian | Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal? - Filipino | Besoin d’aide juridique ? - French | Χρειάζεστε βοήθεια σε νομικά ζητήματα - Greek | क्या आपको कानूनी सलाह चाहिए? - Hindi | Butuhkan Bantuan dalam Masalah Hukum? - Indonesian | Hai bisogno di assistenza legale? - Italian | ត្រូវការជំនួយលើបញ្ហាផ្លូវច្បាប់ឬទេ? - Khmer | 법적인 도움이 필요하십니까? - Korean | Ви треба ли помош со правни работи? - Macedonian | कानूनी सहयोग चाहिएको छ? - Nepalese | Necessita de ajuda com questões jurídicas? - Portuguese | Вам нужна юридическая помощь? - Russian | E Manaomia Fesoasoani i Mea Tau Tulafono? - Samoan | а ли вам треба помоћ у правним питањима? - Serbian | Ma u baahan tahay Caawimmad xagga sharciga ah?- Somali | ¿Necesita ayuda con cuestiones jurídicas? - Spanish | சட்ட உதவி தேவையா? - Tamil | ท่านต้องการความช่วยเหลือทางด้านกฎหมายไหม? - Thai | Fiema’u ha tokoni Fakalao? - Tongan | Yasal Danışmaya İhtiyacınız mı var? - Turkish | Cần Được Giúp Đỡ Về Luật Pháp? - Vietnamese |
LawAccess NSW

Kailangan ng Legal na tulong? (Need Legal Help? - Filipino)


Kailangan ng Legal na tulong?​​​ (Audio)

Ano ang LawAccess NSW?

Ang LawAccess NSW ay isang​ libreng serbisyo sa telepono ng gobyerno na nagbibigayng legal na impormasyon, mga pagsasangguni at sa ilang kaso, payo sa tao na may problema sa batas sa NSW.

Paano makakatulong ang LawAccess NSW sa aking problema sa bat

as?

Maaari:

 • ​magbigay kami sa inyo ng impormasyon sa batas sa pamamagitan ng telepono
 • padalhan namin kayo ng impormasyon, halimbawa, mga polyeto pang-impormasyon, mga porma at mga lathalain
 • sa ilang kaso, ayusin namin na isa sa aming mga abogado ang magbigay sa inyo ng payo sa batas sa pamamagitan ng telepono
 • isangguni namin kayo sa ibang serbisyo, halimbawa, kung kailangan ninyo ng harapang pagpapayo sa batas, o serbisyo ng isang espesyalista sa batas

Sa anong uri ng mga problema sa batas maaari akong makahingi ng tulong?

Matutulungan namin kayo sa malawakan at iba't ibang mga problema sa batas o mga katanungan, tulad ng:

 • sa pagpunta sa korte
 • sa krimen
 • sa multa o paglabag sa trapiko
 • sa utang
 • sa inyong pamilya o relasyon
 • sa karahasan sa pamilya o tahanan
 • sa pakikipag-talo sa inyong kapitbahay
 • sa problema sa trabaho 
 • pagbili ng mga gamit at mga serbisyo
 • sa aksidente sa sasakayan
 • sa pagpaplano (mga testamento, mga powers of attorney, matagalang pag-aalaga)

Maaari ba akong kumuha ng impormasyon sa online?

Oo sa www.lawaccess.nsw.gov.au

Maaari ninyong gamitin ang website upang:

 • ​kumuha ng madaling basahing mga pagkukunan sa batas
 • hanapin ang impormasyon sa batas tungkol sa malawak na hanay ng mga isyu sa batas
 • magsaliksik ng impormasyon sa ibang wika
 • alamin pa ang tungkol sa LawAccess NSW at kung paano kami makakatulong
 • gamitin ang LawAssist website

Ang LawAssist ay maaaring makatulong sa inyo kung kayo ay may problema sa batas o kumakatawan sa inyong sarili sa korte o tribunal.

Ang LawAssit ay may:

 • sinusunod na mga giya sa paghawak ng isang kaso
 • mga instruksyon sa pagpupuno ng mga porma ng korte
 • mga tseklist at palagiang mga katanungan
 • impormasyon sa mga alternatibo sa korte
 • mga bideyo, mga interactive guides at mga flow tsart 

Maaari ba akong kumuha ng tulong sa batas?

Makakatulong kami sa inyo na magpasiya kung ang tulong sa batas ay maaaring makuha para sa inyong problema sa batas at kung nakakatugon kayo sa test sa kayamanan ng Legal Aid NSW. Maaari rin namin kayong tulungan na punuan ang porma ng aplikasyon sa Legal Aid NSW sa pamamagitan ng telepono.

Papaano kung kailangan ko ng isang pribadong solisitor?

Kung kailangan ninyo ng isang pribadong solisitor, maaari naming isaayos na makapagpadala ang Law Society of NSW ng mga detalye ng hanggang sa tatlong pribadong solisitor na sakop ang batas na kailangan ninyo ng tulong.​

Paano ko matatawagan ang LawAccess NSW?

 

Maaari kayong tumawag sa 1300 888 529 sa pagitan ng 9n.u. at 5n.h., Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga araw na walang pasok o holidays)Kung kayo ay gumagamit ng Telephone Typewriter (TTY) tawagan ang 1300 889 529Kung kayo ay Bingi, mahirap makarinig o may kahirapan sa pagsasalita, maaari ninyong kontakin kami sa pamamagitan ng National Relay Service (NRS). Hanapin ang LawAccess NSW sa 1300 888 529


Boses: 133 677

Magsalita at Makinig: 1300 555 727

Internet Relay: www.relay​service.gov.au

Bideyo relay: Piliin ang makukuhang NRS bideyo relay kontak sa Skype


Kung kailangan ninyo ng isang tagapagpaliwanag, tawagan ang Serbisyo sa Pagsasalin at Pagpapaliwanag (TIS) sa 131 450 at hilingin ang LawAccess NSW


Ang LawAccess NSW ay isang inisyatiba ng Department of Justice, Legal Aid NSW, Law Society of NSW at NSW Bar Association.