Kailangan mo ba ng Tulong sa Batas?
Magsimula sa LawAccess NSW
Tumawag sa 1300 888 529
www.lawaccess.nsw.gov.au
Kailangan ko ng tulong sa batas tungkol sa:
- aking pamilya
- karahasan sa tahanan at sa pamilya
- aking mga pagkakautang
- pagpunta sa korte
- aking multa
- aking trabaho
- aking kapitbahay
- pagpaplano nang maaga – mga huling habilin (wills), kapangyarihan ng abogado, pangmatagalang guardian (enduring guardian)
Magsimula sa LawAccess NSW, isang libreng serbisyo ng pamahalaan para sa mga taong may problema sa batas sa NSW.
Bisitahin ang LawAccess NSW online
Upang mahanap ang impormasyon tungkol sa malawak na hanay ng mga paksa sa batas, bisitahin ang www.lawaccess.nsw.gov.au
Tawagan ang LawAccess NSW 1300 888 529
- Upang makakuha ng impormasyon sa batas sa pamamagitan ng telepono
- Upang maisangguni ka sa isang serbisyo sa batas kung kailangan mo ng higit pang tulong
- Sa ilang mga kaso, upang makakuha ng payo sa batas sa pamamagitan ng telepono mula sa isa sa mga abogado ng LawAccess NSW
Huwag bale-walain ang isang problema sa batas
Magsimula sa LawAccess NSW
- Bisitahin ang www.lawaccess.nsw.gov.au o
- Tumawag sa LawAccess NSW sa pagitan ng 9nu at 5nh, Lunes hanggang Biyernes sa 1300 888 529
- Para sa serbisyo ng interpreter, tawagan ang 131 450 at hilingin ang LawAccess NSW
- Kung ikaw ay bingi, may kahirapan sa pandinig o may kapansanan sa pananalita, kontakin ang LawAccess NSW sa pamamagitan ng NRS (National Relay Service): http://www.relayservice.gov.au at hilingin ang LawAccess NSW sa 1300 888 529